How To Make Your Prospects And Customers Come To You Automatically Without Convincing Them

Tuesday, 15 March 2016

ANU-ANU BA KAYLANGAN NATING PARA MAGTAGUMPAY SA ATIN PAPASUKAN MGA NEGOSYO

-Tamang Mindset
-Sapat na Knowledge
-Tamang Attitude

"Pag-usapan nating ang Tamang Mindset"

Kaylangan mong baguhinn ang Mindset mo kung gusto mong pumasok sa isang Opportuniy Business/Negosyo.

Gusto mong magnegosyo dahil sa ilang mga reasons, ang isa sa mga ito ay ang kumita ng pera.Tama Ba Ako? Lahat tayo gustong Kumita ng Pera.
Ang buhay ay parang negosyo. Everyday, you are at the risk of failing.
Maaari kang madapa o huminto. Pero ang kaibahan ng buhay sa negosyo, ay ang buhay hindi pwedeng tumigil, ang negosyo, pwede mong ihinto.
Tip: "Huwag kang titigil sa ano ang napag-planohan mo"
Mayroon lang muna akong ikukwento sayo para maunawaan mo siya ng mabuti
Si Nato at si Kelvin
Si Nato na walang trabaho at walang natapos dahil mahirap siya..pero mayroon siyang PANGARAP..at may nakita siyang Magandang Negosyo na dumating sa kanya at pinasukan niya eto at pinag-aralan ng mabuti. "Excited din" hehehe
Si Kelvin na may tinapos at may maganda Trabaho,at nakita din niya ang Magandang Negosyo at pinasukan niya eto at pinag-aralan din ng mabuti. "Excited din" hehehe
Si Nato kahit ilang failures, rejections at mistakes yong nakukuha niya, patuloy pa rin niyang ginagawa yong negosyo dahil malaki ang tiwala na magtatagumpay ito.
Makalipas ang dalawang taon, nagsimula ng kumita ng malaki yong negosyo ni Nato. So ibig sabihin, si Nato na mahirap, hindi na mahirap.
Si Kelvin Ginawa din niya yong negosyo. Gusto niya lang subukan. Ngayon, nakaharap siya ng pagsubok, na-reject, dahil hindi niya natanggap yong nangyari.
Badtrip na badtrip si Kelvin..Huminto na lang siya.
Sabi pa niya, "bakit ko pa to gagawin eh may trabaho naman ako"., sapat nman kinikita ko.
After two years, si Kelvin ay nagtatrabaho pa rin.After 20 years, si Nato - nako sobrang yaman na.Si Kelvin, nagtatrabaho parin.After 40 years, si Nato, relax na lang kasi dami na niya pera. Pabakasyon bakayon na lang sa ibang bansa kasama ang kaniyang pamilya..Si Kelvin, nagtatrabaho parin kahit nag-retire na.
Nakuha mo ang point ko?

Sa bawat negosyo, para magtagumpay dito, kailangan na maniwala at maging matatag sa bawat pagsubok. 
Pero, what if, si "Kelvin" ay sineryoso din yong negosyo?
Mas may advantage siya kasi doble na yong source of income niya. At malamang, naunahan pa niya si mahirap na yumaman, diba?
Kaya kahit may trabaho ka man o wala, once sumali ka sa negosyo, kailangan na baguhin mo ang paraan ng pag-iisip mo. "That the Power of Tamang Mindset".
"Pag-usapan nating ang Sapat na Knowledge"
Dapat mayroon kang sapat ng Kaalaman para umpisahan ang negosyo na papasukan mo.
Bigyan kita ng isang Analogy:
Noon Bata pa tayo gustong gusto tayong papasukin sa Paaralan dahil gusto nila na magkaroon tayo ng sapat na kaalaman para magamit nating sa pang-araw araw.
Sa unang pagtung-tong nating sa Grade 1. Anu yong ating unang inaaral ang alphabet natutu tayo na magsulat ng ating pangalan.at marami pa..
Sa Negosyo kaylangan nating pag-aralan ang lahat ng aspeto niya.
Ano ba ang education? Education is the act of doing what is learned.
-Knowledge about selling
-Knowledge about marketing
-Knowledge about sponsoring
Hindi ko na'to pahahabain pa.
"Pag-usapan nating ang Tamang Attitude"

After the mindsetting, sa punto na ito, you are now a different person.
Alam mo na ang mga bagay na dapat mong isipin at dapat unahin.

You’ve changed your mind and you’ve decided to become successful.
Kung ano yong nasa isip mo, yon din ang makikita ng mga tao sa galaw mo.
“what your mind can conceive, your body can achieve”
And this works in many ways, minsan nga hindi natin napapansin na yong ginagawa natin ay isang malaking bagay pala na maaaring makapagbago ng buhay natin.
Ang lesson na ito ay tungkol sa mga Tamang Attitude na dapat  ma-acquire bilang isang networker.
Pag-usapan natin kung anong mga attitude na dapat i-posses mo para maging successful ka sa business na ito.
1. Act Professionally
Hindi ito isang simpleng laro o simpleng bagay na pwede nating ipagsawalang bahala. This is a big business and it could change our lives dramatically.
Ang karamihan sa mga networkers, kung napapansin mo, ginagawa ang negosyo na parang walang respeto.
Yong iba nagagalit kapag hindi ka nag-join. 
Yong iba naman nagmamakaawa lang para sumali ka. 
Yong iba kung ituring ang negosyo ay parang relihiyon, kung hindi ka sasali, mamalasin ka.
Naninira pa ng tao. Ginagamit pa ang pangalan ng Diyos para lang mapaniwala ang prospect.
Ang iba naman, namimilit sa prospect kahit ayaw talagang sumali.
Dahil sa kakapilit, kahit matalik na kaibigan, naging kaaway na.
"We don’t want that to happen"
Ang sabi pa nila, ganyan talaga sa networking.
Pero sa tingin mo, gagawin mo ba to?
Kaya nasisira ang industriya natin dahil sa ganitong mga gaawin.
Maliban sa mga scammers, nandyan pa ang sore-thumb-hard-selling networkers.
These are the mediocre networkers, and they do not belong in the 5% group who thinks differently.
Pero tayo, we act with dignity and professionalism.
Sa galaw natin, dapat nakikita ng tao kung gaano tayo kaseryoso.
Dapat maramdaman nila, na tayo ay mga taong pinag-aralan ang negosyo at ginagawa ng tama.
Hindi lang mag-iiba ang tingin nila sa atin, mag-iiba din ang dating sa kanila kapag nakarinig sila na networkers tayo.
Kasi they see us as professionals, na dapat respetohin at dapat paniwalaan.
Wag kang mamilit ng tao. Kung ayaw, hayaan mo na.
Wag kang magmakaawa sa prospect. Hindi yon gawain ng isang propesyonal.
Wag kang mang-deceive o manloko. 
Wag kang mangtakot.
Wag na wag mong gamitin ang pangalan ng Diyos.

2. Think positively
Ang taong nag-iisip na malas siya, ay mamalasin siya sa buong buhay niya.
At taong may positibong pananaw, kahit pagdaanan ng hirap, palaging nagtatagumpay.
Sa industriya natin, kung ang isip mo ay negative, you will attract negative people.
But if you think positively, you will just see the positive things.
Halibawa: may kausap ka na prospect, ang itsura niya ay parang taong wala talagang magandang source of income. Nagdadalawang isip ka na pasalihin siya kasi baka wala siyang pera.
Kung negative ang isip mo, sasabihin o iisipin mo na lang na hindi siya papasalihin kasi wala siyang pera.
Pero kung positive ang isip mo, gagawin mo ang lahat para makasali siya kasi gusto mo siyang tulungan.
Ngayon, pagkasali niya, seneryoso talaga ang negosyo kasi nga gustong magbago ang buhay. So humataw ng todo, kumita ng malaki.
Eh ano ang return nito sayo? Kumita ka rin ng malaki at nakatulong ka pa.
Isa pang halimbawa: 
Kausap mo ang isang prospect, ayaw sa business at ne-reject ka.
Kung negative ang isip mo, iisipin mo na “ay ang hirap naman nito. Hindi ko to kaya. Malamang, ganun din ang sasabihin ng lahat ng taong kakausapin ko. Ayaw ko na.”
Pero kung positive ang isip mo, agad-agad na masasagot mo yong prospect. Sasabihin mo na "ok lang", at sa isip mo, "mas marami pang tao ang nangangailangan nito kaysa kanya. So I don’t want to waste my time on him. Next person na lang."
Nakalimutan mo na yong sinabi niya and then you look for another person.
Kung negative yong isip mo, huminto ka na sa isang rejection.
Sa tingin mo magtatagumpay ka ba kung ganon?
Magtatagumpay ka ba sa buhay kung isang tao lang ang pwede sumira ng pangarap mo?
When you think positively, palagi mong nakikita ang mga bagay na mabuti kahit nasa mahirap na sitwasyon ka. And that’s the time that you will learn.
Learn in every mistake.
Kung first time mo pa na makipag-usap sa tao. Hindi naman kaagad na maging perpekto ang strategy mo. It will take time to learn and become good at what you are doing.
Maaaring pwede kang mareject ng 20 times o 50 times, hanggang sa gumaling ka na.
At kapag darating ang araw na may sumali sayo kasi you’ve been good in doing your business, mas madali at mas marami pa ang mapapasali mo.
And then you’ll smell success dahil nandyan lang yan sa harap mo.
Pero kapag huminto ka kaagad sa isa o sa limang rejections, will you smell success?
No. Dahil kahit nasa harap mo na, mas nangingibabaw sayo ang amoy ng mga rejections ng ibang tao. And you’ll never become the other person na hindi tumigil at patuloy na natuto at gumaling sa negosyong ito.
So always think positively.
Kahit anong hirap pa yan. Palagi mong iisipin na, after nito, ay ang buhay na gusto ko.
"Kakayanin ko na maghirap ng dalawa or sampung taon basta magiging masaya lang ako for the rest of my life."

3. Be confident
Ang tao, tulad ng hayop ay may kakayahang maramdam o masense yong vibration ng ibang tao.
Halimbawa kapag ang isang tao ay may kasalanang ginawa - mafe-feel o mapapansin mo na may kasalan siya.
Sa hayop, tulad ng aso, kapag takot ka sa kanya, mafe-feel niya yon at hahabulin ka niya.
These are true and these are scientifically proven.
Bilang isang networker, ang pagiging confident sa ginagawa mo, ay may malaking epekto sa taong kausap mo.
Meron kasi tayong mga galaw o cues na pwedeng mapansin ng kaharap natin. Kung nenerbyos, natatakot, o hindi confident, nafe-feel at nakikita nila yon.
At kapag nakita nila na hindi ka confident, hindi din sila magiging confident na sumali sayo.
Paano ba maging confident?
Simple lang.
Kapag confident ka sa kompanya natin, sa products, sa system at sa mga natutunan mo, confident mo itong masasabi sa kausap mo.
You will gain that by believing.
Kung hindi ka naniniwala, hindi ka rin confident.
Kung hindi ka naniniwala sa kakayahan mo, hindi ka rin confident na ipakita ito.
Kung hindi ka confident na ginagawa mo ang negosyo kasi may doubts ka pa, hindi rin magiging confident ang prospect mo na sumali dahil ikaw mismo ay nagdududa.
Mapapansin nila yan sa galaw, sa paraan ng pagsasalita mo.
This is the science.
Ang ating katawan ay basically vibrations of energy, kung pag-aaralan mo, ang nagdadala ng utak natin are just electric impulses, and these are also vibrations. Ang matter, katulad ng katawan natin, are just energy in motion.
Minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag science na ang topic. :-)
Ang pagiging confident is a big thing, kasi ang ibig sabihin nun, naiintindihan mo kung ano ang iyong ginagawa.
At kung alam mo, alam mo rin paano ituro ito sa ibang tao. Mas magiging madali ang pag-uusap nyo.
Wag lang maging over-confident ha. You also need to suppress your emotions.

4. Be enthusiastic
Katulad ng confidence, importate din ang pagiging masaya at excited tuwing ginagawa mo ang negosyo.

Nararamdaman din ng kausap mo na masaya at excited ka pala na gawin 'to. 
Tataas yong interest niya na sumali dahil nakikita niya na confident at excited ka na gawin ang business.

“what you feel can affect the feelings of others” at ang kadalasan sa mga tao, gusto nila na masaya at exciting yong buhay nila. So kapag nafe-feel nila yon sayo, para na ring gusto nilang sumabay.
Ayaw natin na malungkot at nakamaktol na mukha.
May pangarap tayo diba, so dapat palagi tayong nakangiti kasi ang ginagawa natin ay para sa pangarap na gusto nating abutin.
Sino ba ang naging malungkot sa pangarap nila? Diba wala?
Be excited always.
Pero hindi kailangan na parang baliw ka na, kasi palagi kang nakangiti, you should also learn to keep some of your excitement within yourself.
Yong parang, excited ka na gawin 'tong negosyo. Pero yong nakikita ng tao ay seryoso ka.
Habang nag-uusap kayo, merong mga moments na parang pinapagaan mo yong situation, pinapatawa mo siya at nagiging excited din siya.
At meron din mga moment na seryoso ka, especially kung pag-uusapan niyo na yong mga pangarap niya. Dapat seryoso ka doon. Para naman mafeel niya na kahit excited ka, seryoso ka rin na tulungan siya.
And that’s when they will start to like you.
Kapag nagustuhan ka na niya, mas comfortable siya na kumausap sayo.

5. Be Honest
Honesty is the best policy!
I believe in honesty. Para sa kin, kapag ginawa ko ang isang bagay na may tinatago, hindi ako magiging komportable na gawin ito. Malamang hindi ko na lang gagawin.
Sa negosyo natin, napakaimportante ang pagiging honest. Dahil ang tiwala ng tao ay matagal makuha, pero kayang mawala sa isang minuto lang.
Kung ikaw ang tatanungin, maniniwala ka ba sa isang tao kung may tinatago siya sa iyo?
Halimbawa: kumausap ka ng isang prospect, tinanong niya kung malaki na ba yong kinita mo. 
Pero baguhan ka pa at wala ka pang kita.
Sasabihin mo ba ang totoo?
Kung hindi mo sinabi ang totoo at ang sinabi mo ay "syempre malaki na kita ko".
Komportable ka ba na sabihin kahit alam mo na hindi yon totoo?
Ano ang epekto nito sayo at sa business mo?
Halimbawa nalaman ng prospect mo na baguhan ka pa at isang buwan ka pa lang na member. Magkakaroon kaya siya ng confidence na mag-join sayo kahit nakita niya na maganda yong negosyo?
Hindi na, kasi hindi ka nagsabi ng totoo.
“do unto others, what you want others do unto you”,
“in every action, there’s always an equal and opposite reaction”
Kung gusto mong makuha ang tiwala ng prospect mo. Kailangan na maging honest ka palagi!
Alam mo ba... nagjo-join ang isang prospect, hindi dahil sa kompanya, kundi dahil sa tao na kausap niya.
Kung nakikita nila na masaya at confident ka, they will like you. At kapag honest at genuine ka palagi sa ginagawa mo, they will know you and trust you.
And if they know you, like you and trust you, they will join to you.
Sasali lang sila sa taong kilala nila at pinaniniwalaan nila.
Networking is about finding people, making them friends and helping them.
Kung ang pag-iisip mo ay ganito, kung ang intensyon mo ay tumulong, mas magiging magaan ang pagtatrabaho mo.
And every time na may napasali ka, masaya ang kalooban mo kasi may natulungan ka.
“the best way to cheer yourself is by cheering others”
“mas masaya kung nakakatulong ka”
“learn to give first, before taking your piece.”
That is the Law of Economics and Law of Life.
So, hindi kailangan na magsinungaling, remember we have our dignity, and we want to make a big change.
Kaya maniwala ka lang. At palaging tapat at totoo sa tao.

6. Don’t be a quitter
Ang isang successful na tao ay kailan man hindi nagko-quit.
“true failure happens when you fail to stand and try again.”
Medyo matagal na ako sa business na ito, kung nagquit ako, hindi ko magagawa ang course na ito.
Kung nagquit ako, hindi ko magagawa ang pagbabago na gusto kong mangyari. 
Kung nagquit ako, hindi ko matutulungan ang kapwa ko Pinoy. 
Kung nagquit ako, malamang ang buhay ko magiging katulad ng karamihan. Boring. Mediocre. At walang goals sa buhay.
Pero hindi ako quitter.
Mas mangingibabaw ang paniniwala ko na kaya ko 'tong gawin. Sa katunayan pa nga, wala akong maisip na bagay na pwedeng humadlang sa pag-abot ng aking mga pangarap.
Kung iisipin ko na mahirap 'to, hindi ko 'to kaya - ano kaya ang mangyayari sa bawat bagay na gagawin ko sa buhay ko kung palagi akong nagko-quit.
Makakamit mo kaya ang success kung magko-quit ka?
Hindi.
Diba sinabi ko na ang networking ay isang daan para sa mas malaki na pangarap.
Paano ako/ikaw magtatagumpay sa kahit anong negosyo kung itong networking ay hindi natin kayang gawin?
Diba sabi ko, training ground ang networking, paano tayo mate-train kung huminto tayo dito.

We have a purpose. 
That is to make this business the initial step to our success.
Kaya hanggang andito ka pa, gawin mo ang lahat.
At alisin mo sa diksyonaryo mo ang salitang “quit”!
Bakit kailangan na ibahin ang attitudes mo 
Your attitudes makes you the kind of person you are.
Kung ano yong palagi mong ginagawa, yong ang mangyayari sayo.
Kung gusto mong matuto ng mga bagay pero wala sa attitude mo ang pagbabasa, matuto ka ba?
Kung gusto mong maging magaling, pero hindi mo attitude ang gumawa, hindi ka talaga gagaling.
Kung gusto mong maging successful, pero attitude mo ang pagiging tamad at pagpo-procrastinate palagi, magiging successful ka ba?
Starting ngayon, try to change your attitude.

Hindi ko ito hinihingi sayo, dahil ikaw mismo ang dapat gumawa ng paraan para magbago ang buhay mo.
And para magkaroon ka ng guidance, try to look for a principle or quote na pwede mong i-memorize. Kapag sa tingin mo hindi tama yong ginagawa mo, sabihin mo lang yon.


Gumana ito sa akin. Kaya pwede ring gumana ito sayo. Subukan mo lang.

3 comments:

  1. Magandang balita!!!!!

    Lalo na sa buong mundo, kailangan mo ng pera sa pagitan ng mga indibidwal upang mapaglabanan ang mga problema sa pananalapi sa dulo ng pagkabangkarote na sanhi ng mga bangko sa pamamagitan ng pagtanggi sa demand ng credit. Kami ay isang pribadong network ng mga eksperto sa pananalapi na maaaring magbigay ng mga pautang para sa halaga na kailangan mo at mayroon kaming mga kondisyon upang gawing mas madali ang iyong buhay. Matutulungan ka namin sa mga sumusunod na lugar:

    Pananalapi
    * Home loan
    * Pamumuhunan sa Mga Pautang
    * Mga Auto Loan
    * Utang
    * Credit Line
    * Ang pangalawang mortgage
    * Pagkuha ng Pera

    Ang proseso ng pautang sa bangko ay kumplikado dahil sa collateral at hindi ka maaaring magbigay ng collateral para sa bangko, at mayroon kang isang proyekto upang matustusan o kailangan ng isang kasosyo upang magsimula ng isang bagong negosyo, masamang kredito o kailangan ng pera upang bayaran ang iyong mga singil, pera sa pamumuhunan. Handa kaming magbigay ng isang personal na credit application, maaari kaming magbigay sa iyo ng isang halaga ng 500-10,000,000 € para sa bawat indibidwal, maaari kang magbayad ng isang rate ng interes ng 2%. natutugunan namin ang mga kinakailangan ng borrower sa loob ng 2 oras pagkatapos matanggap ang kanilang aplikasyon.

    Makipag-ugnay sa amin para sa higit pang mga detalye;
    dangotegrouploandepartment@gmail.com
    dangotegrouploan.wordpress.com

    ReplyDelete
  2. Hi Viewers Kunin ang iyong Blangko ATM card na gumagana sa lahat ng mga makina sa ATM sa buong mundo .. Espesyal na naiprograma namin ang mga ATM card na pwedeng gamitin upang i-hack ang mga ATM machine, ang mga ATM card ay maaaring magamit upang mag-withdraw sa ATM o mag-swipe, sa mga tindahan at POS. Ipagbibili namin ang mga kard na ito sa lahat ng mga interesadong mamimili sa buong mundo, ang card ay may pang-araw-araw na withdrawal limit na $ 10,000 sa ATM at hanggang sa $ 50,000 limitasyon sa paggastos sa mga tindahan depende sa uri ng kard na iyong iniutos, narito kami para sa iyo anumang oras, anumang araw. Email; (blankatm001@aol.com) Nagpapasalamat ako kay Mike dahil binago niya ang aking kuwento nang biglaan. Gumagana ang card sa lahat ng mga bansa maliban, makipag-ugnay sa kanya ngayon (blankatm001@aol.com)

    ReplyDelete