1. Act Professionally
Hindi ito isang simpleng laro o simpleng bagay na pwede nating ipagsawalang bahala. This is a big business and it could change our lives dramatically.
Ang karamihan sa mga networkers, kung napapansin mo, ginagawa ang negosyo na parang walang respeto.
Yong iba nagagalit kapag hindi ka nag-join.
Yong iba naman nagmamakaawa lang para sumali ka.
Yong iba kung ituring ang negosyo ay parang relihiyon, kung hindi ka sasali, mamalasin ka.
Naninira pa ng tao. Ginagamit pa ang pangalan ng Diyos para lang mapaniwala ang prospect.
Ang iba naman, namimilit sa prospect kahit ayaw talagang sumali.
Dahil sa kakapilit, kahit matalik na kaibigan, naging kaaway na.
"We don’t want that to happen"
Ang sabi pa nila, ganyan talaga sa networking.
Pero sa tingin mo, gagawin mo ba to?
Kaya nasisira ang industriya natin dahil sa ganitong mga gaawin.
Maliban sa mga scammers, nandyan pa ang sore-thumb-hard-selling networkers.
These are the mediocre networkers, and they do not belong in the 5% group who thinks differently.
Pero tayo, we act with dignity and professionalism.
Sa galaw natin, dapat nakikita ng tao kung gaano tayo kaseryoso.
Dapat maramdaman nila, na tayo ay mga taong pinag-aralan ang negosyo at ginagawa ng tama.
Hindi lang mag-iiba ang tingin nila sa atin, mag-iiba din ang dating sa kanila kapag nakarinig sila na networkers tayo.
Kasi they see us as professionals, na dapat respetohin at dapat paniwalaan.
Wag kang mamilit ng tao. Kung ayaw, hayaan mo na.
Wag kang magmakaawa sa prospect. Hindi yon gawain ng isang propesyonal.
Wag kang mang-deceive o manloko.
Wag kang mangtakot.
Wag na wag mong gamitin ang pangalan ng Diyos.
2. Think positively
Ang taong nag-iisip na malas siya, ay mamalasin siya sa buong buhay niya.
At taong may positibong pananaw, kahit pagdaanan ng hirap, palaging nagtatagumpay.
Sa industriya natin, kung ang isip mo ay negative, you will attract negative people.
But if you think positively, you will just see the positive things.
Halibawa: may kausap ka na prospect, ang itsura niya ay parang taong wala talagang magandang source of income. Nagdadalawang isip ka na pasalihin siya kasi baka wala siyang pera.
Kung negative ang isip mo, sasabihin o iisipin mo na lang na hindi siya papasalihin kasi wala siyang pera.
Pero kung positive ang isip mo, gagawin mo ang lahat para makasali siya kasi gusto mo siyang tulungan.
Ngayon, pagkasali niya, seneryoso talaga ang negosyo kasi nga gustong magbago ang buhay. So humataw ng todo, kumita ng malaki.
Eh ano ang return nito sayo? Kumita ka rin ng malaki at nakatulong ka pa.
Isa pang halimbawa:
Kausap mo ang isang prospect, ayaw sa business at ne-reject ka.
Kung negative ang isip mo, iisipin mo na “ay ang hirap naman nito. Hindi ko to kaya. Malamang, ganun din ang sasabihin ng lahat ng taong kakausapin ko. Ayaw ko na.”
Pero kung positive ang isip mo, agad-agad na masasagot mo yong prospect. Sasabihin mo na "ok lang", at sa isip mo, "mas marami pang tao ang nangangailangan nito kaysa kanya. So I don’t want to waste my time on him. Next person na lang."
Nakalimutan mo na yong sinabi niya and then you look for another person.
Kung negative yong isip mo, huminto ka na sa isang rejection.
Sa tingin mo magtatagumpay ka ba kung ganon?
Magtatagumpay ka ba sa buhay kung isang tao lang ang pwede sumira ng pangarap mo?
When you think positively, palagi mong nakikita ang mga bagay na mabuti kahit nasa mahirap na sitwasyon ka. And that’s the time that you will learn.
Learn in every mistake.
Kung first time mo pa na makipag-usap sa tao. Hindi naman kaagad na maging perpekto ang strategy mo. It will take time to learn and become good at what you are doing.
Maaaring pwede kang mareject ng 20 times o 50 times, hanggang sa gumaling ka na.
At kapag darating ang araw na may sumali sayo kasi you’ve been good in doing your business, mas madali at mas marami pa ang mapapasali mo.
And then you’ll smell success dahil nandyan lang yan sa harap mo.
Pero kapag huminto ka kaagad sa isa o sa limang rejections, will you smell success?
No. Dahil kahit nasa harap mo na, mas nangingibabaw sayo ang amoy ng mga rejections ng ibang tao. And you’ll never become the other person na hindi tumigil at patuloy na natuto at gumaling sa negosyong ito.
So always think positively.
Kahit anong hirap pa yan. Palagi mong iisipin na, after nito, ay ang buhay na gusto ko.
"Kakayanin ko na maghirap ng dalawa or sampung taon basta magiging masaya lang ako for the rest of my life."
3. Be confident
Ang tao, tulad ng hayop ay may kakayahang maramdam o masense yong vibration ng ibang tao.
Halimbawa kapag ang isang tao ay may kasalanang ginawa - mafe-feel o mapapansin mo na may kasalan siya.
Sa hayop, tulad ng aso, kapag takot ka sa kanya, mafe-feel niya yon at hahabulin ka niya.
These are true and these are scientifically proven.
Bilang isang networker, ang pagiging confident sa ginagawa mo, ay may malaking epekto sa taong kausap mo.
Meron kasi tayong mga galaw o cues na pwedeng mapansin ng kaharap natin. Kung nenerbyos, natatakot, o hindi confident, nafe-feel at nakikita nila yon.
At kapag nakita nila na hindi ka confident, hindi din sila magiging confident na sumali sayo.
Paano ba maging confident?
Simple lang.
Kapag confident ka sa kompanya natin, sa products, sa system at sa mga natutunan mo, confident mo itong masasabi sa kausap mo.
You will gain that by believing.
Kung hindi ka naniniwala, hindi ka rin confident.
Kung hindi ka naniniwala sa kakayahan mo, hindi ka rin confident na ipakita ito.
Kung hindi ka confident na ginagawa mo ang negosyo kasi may doubts ka pa, hindi rin magiging confident ang prospect mo na sumali dahil ikaw mismo ay nagdududa.
Mapapansin nila yan sa galaw, sa paraan ng pagsasalita mo.
This is the science.
Ang ating katawan ay basically vibrations of energy, kung pag-aaralan mo, ang nagdadala ng utak natin are just electric impulses, and these are also vibrations. Ang matter, katulad ng katawan natin, are just energy in motion.
Minsan hindi ko mapigilan ang sarili ko kapag science na ang topic. :-)
Ang pagiging confident is a big thing, kasi ang ibig sabihin nun, naiintindihan mo kung ano ang iyong ginagawa.
At kung alam mo, alam mo rin paano ituro ito sa ibang tao. Mas magiging madali ang pag-uusap nyo.
Wag lang maging over-confident ha. You also need to suppress your emotions.
4. Be enthusiastic
Katulad ng confidence, importate din ang pagiging masaya at excited tuwing ginagawa mo ang negosyo.
Nararamdaman din ng kausap mo na masaya at excited ka pala na gawin 'to.
Tataas yong interest niya na sumali dahil nakikita niya na confident at excited ka na gawin ang business.
“what you feel can affect the feelings of others” at ang kadalasan sa mga tao, gusto nila na masaya at exciting yong buhay nila. So kapag nafe-feel nila yon sayo, para na ring gusto nilang sumabay.
Ayaw natin na malungkot at nakamaktol na mukha.
May pangarap tayo diba, so dapat palagi tayong nakangiti kasi ang ginagawa natin ay para sa pangarap na gusto nating abutin.
Sino ba ang naging malungkot sa pangarap nila? Diba wala?
Be excited always.
Pero hindi kailangan na parang baliw ka na, kasi palagi kang nakangiti, you should also learn to keep some of your excitement within yourself.
Yong parang, excited ka na gawin 'tong negosyo. Pero yong nakikita ng tao ay seryoso ka.
Habang nag-uusap kayo, merong mga moments na parang pinapagaan mo yong situation, pinapatawa mo siya at nagiging excited din siya.
At meron din mga moment na seryoso ka, especially kung pag-uusapan niyo na yong mga pangarap niya. Dapat seryoso ka doon. Para naman mafeel niya na kahit excited ka, seryoso ka rin na tulungan siya.
And that’s when they will start to like you.
Kapag nagustuhan ka na niya, mas comfortable siya na kumausap sayo.
5. Be Honest
Honesty is the best policy!
I believe in honesty. Para sa kin, kapag ginawa ko ang isang bagay na may tinatago, hindi ako magiging komportable na gawin ito. Malamang hindi ko na lang gagawin.
Sa negosyo natin, napakaimportante ang pagiging honest. Dahil ang tiwala ng tao ay matagal makuha, pero kayang mawala sa isang minuto lang.
Kung ikaw ang tatanungin, maniniwala ka ba sa isang tao kung may tinatago siya sa iyo?
Halimbawa: kumausap ka ng isang prospect, tinanong niya kung malaki na ba yong kinita mo.
Pero baguhan ka pa at wala ka pang kita.
Sasabihin mo ba ang totoo?
Kung hindi mo sinabi ang totoo at ang sinabi mo ay "syempre malaki na kita ko".
Komportable ka ba na sabihin kahit alam mo na hindi yon totoo?
Ano ang epekto nito sayo at sa business mo?
Halimbawa nalaman ng prospect mo na baguhan ka pa at isang buwan ka pa lang na member. Magkakaroon kaya siya ng confidence na mag-join sayo kahit nakita niya na maganda yong negosyo?
Hindi na, kasi hindi ka nagsabi ng totoo.
“do unto others, what you want others do unto you”,
“in every action, there’s always an equal and opposite reaction”
Kung gusto mong makuha ang tiwala ng prospect mo. Kailangan na maging honest ka palagi!
Alam mo ba... nagjo-join ang isang prospect, hindi dahil sa kompanya, kundi dahil sa tao na kausap niya.
Kung nakikita nila na masaya at confident ka, they will like you. At kapag honest at genuine ka palagi sa ginagawa mo, they will know you and trust you.
And if they know you, like you and trust you, they will join to you.
Sasali lang sila sa taong kilala nila at pinaniniwalaan nila.
Networking is about finding people, making them friends and helping them.
Kung ang pag-iisip mo ay ganito, kung ang intensyon mo ay tumulong, mas magiging magaan ang pagtatrabaho mo.
And every time na may napasali ka, masaya ang kalooban mo kasi may natulungan ka.
“the best way to cheer yourself is by cheering others”
“mas masaya kung nakakatulong ka”
“learn to give first, before taking your piece.”
That is the Law of Economics and Law of Life.
So, hindi kailangan na magsinungaling, remember we have our dignity, and we want to make a big change.
Kaya maniwala ka lang. At palaging tapat at totoo sa tao.
6. Don’t be a quitter
Ang isang successful na tao ay kailan man hindi nagko-quit.
“true failure happens when you fail to stand and try again.”
Medyo matagal na ako sa business na ito, kung nagquit ako, hindi ko magagawa ang course na ito.
Kung nagquit ako, hindi ko magagawa ang pagbabago na gusto kong mangyari.
Kung nagquit ako, hindi ko matutulungan ang kapwa ko Pinoy.
Kung nagquit ako, malamang ang buhay ko magiging katulad ng karamihan. Boring. Mediocre. At walang goals sa buhay.
Pero hindi ako quitter.
Mas mangingibabaw ang paniniwala ko na kaya ko 'tong gawin. Sa katunayan pa nga, wala akong maisip na bagay na pwedeng humadlang sa pag-abot ng aking mga pangarap.
Kung iisipin ko na mahirap 'to, hindi ko 'to kaya - ano kaya ang mangyayari sa bawat bagay na gagawin ko sa buhay ko kung palagi akong nagko-quit.
Makakamit mo kaya ang success kung magko-quit ka?
Hindi.
Diba sinabi ko na ang networking ay isang daan para sa mas malaki na pangarap.
Paano ako/ikaw magtatagumpay sa kahit anong negosyo kung itong networking ay hindi natin kayang gawin?
Diba sabi ko, training ground ang networking, paano tayo mate-train kung huminto tayo dito.
We have a purpose.
That is to make this business the initial step to our success.
Kaya hanggang andito ka pa, gawin mo ang lahat.
At alisin mo sa diksyonaryo mo ang salitang “quit”!
Bakit kailangan na ibahin ang attitudes mo
Your attitudes makes you the kind of person you are.
Kung ano yong palagi mong ginagawa, yong ang mangyayari sayo.
Kung gusto mong matuto ng mga bagay pero wala sa attitude mo ang pagbabasa, matuto ka ba?
Kung gusto mong maging magaling, pero hindi mo attitude ang gumawa, hindi ka talaga gagaling.
Kung gusto mong maging successful, pero attitude mo ang pagiging tamad at pagpo-procrastinate palagi, magiging successful ka ba?
Starting ngayon, try to change your attitude.
Hindi ko ito hinihingi sayo, dahil ikaw mismo ang dapat gumawa ng paraan para magbago ang buhay mo.
And para magkaroon ka ng guidance, try to look for a principle or quote na pwede mong i-memorize. Kapag sa tingin mo hindi tama yong ginagawa mo, sabihin mo lang yon.
Gumana ito sa akin. Kaya pwede ring gumana ito sayo. Subukan mo lang.