How To Make Your Prospects And Customers Come To You Automatically Without Convincing Them

Monday, 14 December 2015

"Natural Skeptical People" Bakit Nga Ba Nagdududa Ang Mga Tao?

Pag-usapan naman natin, bakit nga ba hindi mawala-wala sa tao ang “DUDA?” Sa sarili kong pananaw, nagdududa ang tao hindi naman dahil sa panlabas mong anyo, kahit ano pa ang itsura mo, maaaring magduda siya sa ‘yo sa ano mang paraan na sabihin sa kanya ng sarili niyang utak. Normal ang pagdududa sa isang tao. Pero bakit nga ba? Hindi ba’t napakasarap pag-usapan ng topic na ito? Ang katotohanan lang nyan ay hindi siya nagdududa dahil mukha kang ka-duda duda. Nagdududa siya dahil maaaring marami siyang karanasan na hindi magaganda sa mga bagay na nararanasan mo ngayon. Kahit ano pa yan, trabaho, business, pag-aaral, paglalaro, o kahit pagkain.
Hindi mo ba napapansin, sa tuwing kakain tayo sa isang fast-food, order lang tayo ng order at kain lang tayo ng kain. At iyon ay dahil alam natin na malinis at makakabuti sa kalusugan natin ang pagkain na binibili natin sa kanila. Alam natin ‘yun dahil nasubukan na natin. Alam natin ‘yun dahil ilang beses na tayong kumakain at wala namang nangyayaring masama sa atin. Pero kapag kakain tayo sa isang tapsilogan o isang tipikal na karinderia, hindi ba’t sa simula magdududa tayo? Dahil kadalasan ang mga pagkain na maaaring kinakain natin dito ay Mura, Masarap, at Marumi. Sabi nga nila, “Dun nalang tayo sa 3M, Tipid na, Sulit pa!”
Ito ang isang malaking dahilan kung bakit punung-puno ng pagdududa ang mga tao. Kapag may magandang karanasan sila sa isang bagay, bihira lang nila maalala o mapansin na sa mga oras na ‘yun ay naging masaya sila. Pero, sa kabilang banda, kapag meron silang masasamang karanasan sa isang bagay, palagi nila itong maaalala sa tuwing nakikita o ginagawa nila ang bagay na ito. Yan ang tunay na dahilan, lahat naman ng tao napapansin ang masama, pero ‘yung mga mabubuting bagay minsan lang napapansin. Normal lang ‘yun, dahil ito ang nature ng tao. Hindi ka normal na tao kung hindi ka ganito mag-isip. Umamin ka na.
Isa pang dahilan kung bakit nagdududa ang isang tao ay dahil hindi naman ikaw ang iniisip niya, kundi ang sarili niya. Ano bang pakialam niya sayo di ‘ba? Kung kakain siya, ang iisipin niya lang ‘yung kakainin niya. Hindi ka naman niya “baby” para mag-alala siya sa kinakain mo. Ganun din sa lahat ng iba pang mga bagay-bagay. Kapag may inalok kang bagay sa isang tao, wala siyang ibang iisipin kundi ang sarili niya. Ang tanging iisipin niya ay, “Sus, makakabuti ba ‘to sakin? May maitutulong ba ‘to sakin? Parang wala naman. Oo sa kanya nakakatulong, pero sa tingin ko sa ‘kin hindi.” Aminin natin na lahat tayo ay judgmental sa simula. Normal lang din ‘yun. Pero mas tumatagal at mas nakikita natin na nakakabuti pala sa atin ang isang bagay, mas naiisip natin, “Ok pala siya, nakakabuti sa akin.”
Pero isa lang ang gusto kong matutunan mo dito. Lahat ng bagay sa buhay, lahat ng kilos na gagawin mo, lahat yan kailangan mong mag-take ng “RISK.” Dahil kung mananatili ka lang sa “COMFORT ZONE” mo, kung nakukuntento ka na sa mga ginagawa mo sa buhay mo araw-araw pero hindi ka naman umuusad palapit sa mga pangarap at mga goal mo, isa lang ang ibig nun sabihin, walang mangyayari sayo. Baka nakakalimutan mo, lahat ng successful na tao ngayon, nagsimula sila sa pag-take ng risk, isipin mo kung hindi sila “SUMUBOK” at hindi sila “SUMUGAL” ng buong loob, sa tingin mo, nandun parin ba sila sa sitwasyon kung nasaan sila ngayon? Malabo, dahil lahat ng bagay sa buhay ay isang sugal. Ang Diyos mismo, sinugal ang sarili Niya, dahil Siya mismo ay may “TIWALA” Siya na nga kaya Niya tayong iligtas.

PPS - Kung may natutunan ka di ‘to, make sure to Click Like and Click Share or Post your comments below…


No comments:

Post a Comment