May nabasa akong post sa group page namin. Post s’ya ng isa sa mga partner ko.
May nakausap daw s’yang prospect at ang sabi nung kausap n’ya…
“Ang training or learning daw ay hindi dapat binabayaran, dapat libre lang ‘yan!”
Unang pumasok kagad sa isip ko, badtrip ‘yun ah…
Kasi ako mismo gumagastos at nagi-invest ako para sa mga training.
At ang mga business ko ay selling of information products.
Kung isa kang networker or affiliate marketer, at kung sakaling ang product na minamarket mo ay mga information products tulad ng eBooks, training courses, etc. I’m sure darating yung point na may mae-encounter ka rin na ganito. Kaya gusto kong i-share sa’yo kung ano yung naging response ko dun
Hindi Naman Dapat Bayaran - Sa totoo lang, lahat naman ng bagay sa mundo ay libre.
Tubig libre lang yan, hanap ka ng ilog at lawa makakakuha ka na ng libreng tubig.
Pero bakit tayo bumibili ng tubig na nasa bote?
Because we pay for the REFINEMENT and CONVENIENCE.
Wala tayong oras para humanap at magpunta sa mga malilinis na ilog para lang kumuha ng tubig na maiinom.
MAS-MADALI kung bibili ka na lang nung nasa bote/or nasa container.
Pagkain? Hindi mo kaylangang magbayad para dyan. Mangisda ka, magtanim ka, eh di libre na ang pagkain mo.
Pero bakit tayo gumagastos ng malaking pera araw-araw para sa pagkain?
Sino ba naman may oras para magisda? Sino may oras para aralin ang pagsasaka? Sino may oras para aralin at gawin ang pagtatanim at magalaga ng mga gulay, etc.
Gumagastos tayo sa pagkain dahil sa REFINEMENT at CONVENIENCE!
MAS MADALI na bumili na lang ng pagkain na ready ng iluto.
At MAS MADALING bumili ng pagkain na luto na at kakainin mo na lang.
Knowledge and Information, yes maaaring makuha mo rin yan ng libre. Pwedeng sa internet, sa mga libro, etc.
Pero hindi lahat ng information ay makukuha mo ng madali o ng libre.
Dahil may mga knowledge na kakaunting tao lang ang nakakaalam.
Meron ding mga knowledge na matututunan at maiintindihan mo lang kung ituturo sa’yo ng step by step.
System? Yes pwede ka rin namang makagawa ng sarili mo (Pero hindi ka makakaligtas sa mga expenses-meron talaga n’yan)
Pero kaylangan mo ng at least 2-3 years of searching, reading, analyzing, testing kung gagawin mo ‘yan ng magisa from scratch.
Pwedeng abutin ka ng 2-3 years bago mo makuha lahat ng mga info na kaylangan mo para lang makapag simulang kumita sa internet.
Kung gusto mo ng option na ganun. We’ll good luck na lang!
Ano ang ino-offer ng Ignition Marketing sa mga tao? CLICK HERE para malaman mo
Simple lang… Pinagsama-sama namin lahat ng mga natutunan namin mula sa aming mga naging sales and marketing experiences.
Hinimay-himay namin ang mga natutunan namin, tinanggal namin yung mga hindi importante at ang binibigay natin sa mga tao ay yung mga knowledge at step by step strategies na makapagbibigay sa kanila ng mabilisang resulta.
Para hind na nila kaylangang magpagod at magakasaya ng mahabang panahon para lang hanapin ang mga information na yun.
Kung gusto naman nila kumita ng mabilis, binibigyan rin natin sila ng chance para magamit ang same system na nagamit namin para kumita ng mabilis.
Para hindi na rin nila kaylangang magaksaya ng mahabang panahon sa pagaaral kung pano ba magset up ng mga kumplikadong bagay.
Para hindi na nila kaylangang gumastos para lang makapag set up ng system na magagamit nila para kumita.
Some of our members ay kumikita kagad SAME DAY ng pagka-join nila. Ganun ka-bilis!
Next time kapag may nagsabi sa’yo na dapat libre lang ang mga training, tanong mo sa kanya kung gumagastos ba sya sa iniinom n’yang tubig at sa pagkain na kinakain nya.
Naniniwala ako na ang isang dahilan kung bakit ko nagawang magkaron ng mas-mabilis na resulta kumpara sa mga kasabayan ko nuon, ay dahil nag-invest ako sa mga training . Yung mga knowledge na nakuha ko sa mga training na yun ang nagbigay sa’kin ng edge at malaking advantage.
Kaya naniniwala ako na kung gusto mo ring mas-mapabilis ang pagkakaron mo ng success, kaylangan mo ring mag-invest sa mga training.
Pagkatapos, i-apply mo kagad lahat ng mga matututunan mo sa business mo.
PS – Anong masasabi mo sa topic na ‘to? May natutunan ka ba? Make sure to Click LIKE and Put Your Comments Below…